Klinikang Foreigner-Friendly (Tumatanggap ng Banyaga) sa Aichi Prefecture, Lungsod ng Inazawa! May magagamit na mga kwestiyonaryong nasa wikang English at marami pang wika
【Promotional movie ay magbubukas kapag nag-click sa itaas na larawan.】
Klinikang Foreigner-Friendly (Tumatanggap ng Banyaga) sa Aichi Prefecture, Lungsod ng Inazawa! May magagamit na mga kwestiyonaryong nasa wikang English at marami pang wika
【Promotional movie ay magbubukas kapag nag-click sa itaas na larawan.】
Ang Okochi-Naika Clinic ay klinikang Foreigner-Friendly (Tumatanggap ng Banyaga) na matatagpuan sa Aichi Prefecture, Lungsod ng Inazawa, Sobue-cho. Matatagpuan ito malapit sa Sobue-no-mori Park.
6-7 Kamikiri, Sakuragata, Sobue-cho, Inazawa, Aichi 495-0015,Japan
Lunes – Martes –Huwebes – Biyernes: 9.00-12.00/16.00-19.00
Miyerkules at Sabado: 9.00-12.00
Numero ng Telepono: 0587-97-8300
Site sa Internet para sa pag-reserba: http://okochi-cl.mdja.jp/
Maaari ring mag-walk-in pero dapat na malaman na:
1. Prayoridad ang mga nagpa-reserba
2. Kung hindi ka magpa-reserba, maaaring maghintay ka nang napakatagal depende sa araw at oras
Kaya mariing inirerekomenda na tumawag muna sa klinika o magpa-reserve gamit ang Internet site.
① Questionnaire para sa mga medikal na pagsusuri
A) Internal medicine(Tagalog)
B) Pedyatrya(Tagalog)
C) Dermatolohiya(Tagalog)
② Questionnaire para sa mga partikular na checkup sa kalusugan
③ Questionnaire para sa bakuna
A) Adulto
B) Bata
④ Kinakailangang Sagutan Para Sa Pagpapabakuna Ng Para Sa Trangkaso
⑤ Mga Tanong sa Pag-screen bago ang pagbabakuna para sa bakuna sa COVID-19
Si Doktor Okochi ay mabait at mahusay magsalita ng English. Nag-aral at nagtrabaho siya sa Louisiana, USA at nagkaroon ng maraming karanasan sa paninirahan at pagbibiyahe sa ibang bansa. Kaya niyang unawain at tulungan ang mga banyagang nahihirapan na makaayon sa bagong buhay nila sa Aichi Prefecture, Japan. Ang nalalaman niya sa kapwa Medisinang Hapon at Banyaga ay paraan upang mabatid niya ang mga problema mo. Huwag hayaan na lumala ang anumang problema sa Kalusugan dahil lamang sa mga agam-agam mo sa wika o kultura dito sa Aichi Prefecture.
Hatid ng Foreigner-Friendly Okochi-Naika clinic ang maraming uri ng serbisyong medikal gaya ng:
Japanese Insurance (Japanese National Health Insurance (Kokumin Kenko Hoken) lang ang tinatanggap namin o Social Insurance (Shakai Hoken) dahil hindi kami konektado sa anumang Banyagang Insurance. Dapat kang magpakita ng Japanese Insurance card sa pagbisita mo. Maibibigay namin ang parehong mga serbisyo sa sinumang pupunta ng klinika namin, pati na ang magbigay ng mga kwestiyonaryong nasa maraming wika. Maaari kang magbayad gamit ang cash o major credit card (VISA, Master, DC, MUFG, UFG o Nicos).
At syempre, tinatanggap namin ang lahat ng pasyenteng walang Japanese Insurance hangga’t nababayaran sa parehong araw ang buong bayarin nang cash o major credit card (VISA, Master, DC, MUFG, UFG o Nicos).